MELBOURNE, Australia (AP) — Limang set sa loob ng limang oras.
Sa edad na 33-anyos, mahaba pa ang hangin at matatag pa ang mga tuhod ni Rafael Nadal ng Spain para maisalba ang laban kontra Grigor “Baby Fed” Dimitrov “.
Kinuha ni Nadal ang 6-3, 5-7, 7-6 (5), 6-7 (4), 6-4 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila) para makausad sa finals kontra Swiss superstar Roger Federer sa men’ single title ng Australian Open.
Bunsod nito, mapapanood ang finals ng Australian Open tampok ang mga finalist na may edad 30 pataas.
Ang women’s singles na tatampukan ng magkapatid na Venus (36) at Serenea (35) ay sentro ng usap-usapan bunsod ng kampanya ni Serena para sa record 23rd Grand Slam title, habang kauna-unahang kay Venus sa nakalipas na walong taon.
Sa huling pagtutuos nina Nadal at Federer sa Australian Open (2009), umuwing luhaan ang Swiss star.
“I feel that this rivalry is talked about outside the tennis world, and that is good for our sport,” pahayag ni Nadal, sasabak kontra 17-time Grand Slam champion sa ika-siyam na pagkakataon sa major finals.
Marami ang nagdududa sa kakayahan ng 30-anyos na si Nadal matapos ang injury sa kamay na nagpa-sideline sa kanya sa nakalipas na anim na buwan, ngunit pinatunayan ng Spaniard na mali ang kanilang hinuha.
Napaluhod si Nadal at napahiyaw sa labis na kasiyahan nang matuldukan ang laro. Kaagad niyang kinamayan at niyakap ang karibal sa net.
“Grigor played great. I played great. So was a great quality of tennis,” sambit ni Nadal. “So just for me, is amazing to be through to a final of Grand Slam again here in Australia at the first of the year.”
Tinaguriang “Baby Fed” dahil sa istilong halos pareho kay Federer, matikas na nakihamok si Dimitrov, kampeon sa Brisbane International isang linggo bago ang Aussie Open, ngunit naisalba ni Nadal ang naiskor niyang 20 aces at 79 winner.
“I just know that two of the greatest players of tennis are going to square off, and it’s going to be (an) amazing match,” pahayag ng Bulgarian star.