MAPANTAYAN hindi man malagpasan ang natamong bronze medal ni Rustom Lim sa 2011 Asian Cycling Championships ang target nina Batang Pinoy stalwart Aidanjames Mendoza at Thomas Mojares Fabie sa kanilang pagsabak sa 2017 edisyon ng karera sa Bahrain.

Sasabak ang tubong- Pangasinan na si Mendoza at ang Batangueño na si Fabie na kapwa miyembro ng Team Corratec Pilipinas na ginagabayan ni national coach Cesar Lobramonte sa Junior Men’s division ng ACC sa Pebrero 24 hanggang Marso 3.

Mismong si Lobramonte ang tumitiyak na may potensiyal ang dalawang rider na masundan ang mga yapak ni Lim. Aniya, taglay ng dalawa ang lakas sa akyatin at maging sa sprint.

Nakatakdang sumali si Mendoza sa darating na ACC sa criterium at road race habang lalahok naman si Fabie sa individual time trial at road race. Ilan sa inaasahang magiging mabigat na katunggali ng dalawa ang mga siklista mula Hongkong, South Korea at Japan. (marivic awitan)

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!