Ipatutupad ang “no work, no pay” pay scheme ngayong araw sa pagdiriwang ng Chinese New Year, na idineklarang special non-working holiday ng Malacañang.

Sa ilalim nito, tanging ang mga empleyado na papasok ngayong araw ang tatanggap ng sahod maliban na lamang kung mayroong paborableng polisiya ang kanilang kumpanya, o nakasaad sa collective bargaining agreement (CBA).

Ang mga papasok ay tatanggap ng karagdagang bayad sa kanilang kasipagan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“If the employee worked, he/she shall be paid an additional 30 percent of his/her daily rate on the first eight hours of work,” paglilinaw ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa isang pahayag.

Tatanggap sila ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang hourly rate kung nagtrabaho sila nang lagpas sa oras (overtime) at karagdagang 50% ng kanilang daily rate kapag natapat ito sa kanilang rest day. (Samuel Medenilla)