OKLAHOMA CITY (AP) — Tila naging mas inspirado si Russell Westbrook sa balitang kabilang siya sa All-Star reserved para magsalansan ng 45 puntos at pangunahan ang Oklahoma City Thunder nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa dominanteng 109-98 panalo kontra Dallas Maverick.

Aksidente namang nabalian ng kanang kamay si Oklahoma City forward Enes Kanter nang suntukin ang bench chair bunsod ng pagkadismaya sa tawag ng referee. Tiyak ang kanyang pagka-sidelined sa mga susunod na laro ng Thunder.

Nag-ambag si Victor Oladipo ng 17 puntos, habang tumipa si Steven Adams ng 15 puntos para sa Thunder, nagwagi sa ikatlong sunod.

Nanguna si Harrison Barnes sa Mavs sa naiskor na 31 puntos.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

PACERS 109, TIMBERWOLVES 103

Sa Minneapolis, ratsada si Paul George sa naiskor na 32 puntos sa panalo ng Indiana Pacers kontra TimberWolves.

Nagsalansan si Myles Turner ng 23 puntos, habang kumana si Jeff Teague ng 20 puntos, 13 assist at walong rebound para tuldukan ang losing skid ng Pacers sa tatlong laro.

Kumasa si Karl-Anthony Towns ng 33 puntos at 10 rebound para sa Timberwolves. Sopresang hindi siya napili sa 14 reserved player para sa All-Stars.

Sa iba pang laro, pinakulimlim ng Denver Nuggets ang Phoenix Suns, 127-120; at tinambakan ng Utah Jazz ang Los Angeles Lakers, 96-88;