BAGUIO CITY – Isang kawani ng gobyerno na tatlong taon na lang ay magreretiro na sa serbisyo ang nasawi makaraang mabaril sa sagupaan ng mga drug suspect at mga pulis sa Barangay Military Cut-off sa Baguio City.

Nagsasagawa ngayon ng forensic test ang Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Service sa balang pumatay nitong Martes kay Miguel Delinilla, 57, service electrician sa engineering department ng Baguio City Hall.

Inaalam kung sa baril ng mga pulis-Baguio nanggaling ang bala.

Ayon kay Jeronimo Coloma, driver at kasamahan ng biktima, nabaril sa ulo ang huli makaraang sumiklab ang engkuwentro ng mga pulis kina Marlon Calara at Patricia Malangen, na naaresto rin kalaunan. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar