KINUMPIRMA ni Miss Philippines Maxine Medina na may nakahandang interpreter para sa kanya sa finals ng 65th Miss Universe beauty pageant sa Lunes, Enero 30.

“For sure I will use the English (language),” saad ni Maxine sa panayam ng TV 5 sa kanya.

Inihayag ni Maxine, 26, na gagamit siya ng interpreter “just in case” na makapasok siya sa question-and-answer portion ng beauty contest.

Nang tanungin kung aakyat sa entablado ang interpreter, sinabi ni Medina: “Yes, probably.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hinihimok ng mga tagahanga ng pageant ang beauty queen na gumamit ng interpreter sa finals para mapalakas ang kanyang tsansa na manalo ng back-to-back crown para sa Pilipinas.

Kung matutuloy ang plano ni Maxine, siya ang kauna-unahang Pinay beauty queen na gagamit ng interpreter.

Nabuo ito nang ihayag ng veteran pageant expert na si Norman Tinio na malaki ang tsansa ni Maxine na mapanalunan ang titulo pagkatapos ng kanyang stunning performance sa preliminary competition sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Huwebes ng gabi.

“Miss Philippines Maxine Medina did everything according to the game plan. She was in her best elements during last night’s 65th Miss Universe Preliminary Competition. And with the thunderous applause that sensurround-ed all her appearances on stage, she was pumped to present herself even more convincingly in front of the judges,” saad ni Tinio, ang pinakakilalang pageant blogger sa buong mundo.

Ang forecast ni Tinio, ang mga kandidatang makakapasok sa Top 6 ay ang mga kinatawan ng Venezuela, Pilipinas, Brazil, Nicaragua, Thailand, at Indonesia.

Nang tanungin kung paano makukuha ni Maxine ang korona, ang sagot ni Tinio: “Win the judges attention by presenting herself more convincingly than the rest. It could be more drama or maximum charm.” (ROBERT R. REQUINTINA)