Nagbahagi kahapon ng tips ang World Health Organization (WHO) kung paano maipagdiriwang ang isang “healthy” na Chinese New Year.
“Celebrating Chinese New Year here in the Philippines? Here’s some advice from our WHO Country Office in China to ensure a healthy, happy New Year celebration!” saad sa advisory ng WHO-Philippines na tinawag na “Chinese New Year Survival Kit”.
Una, ayon sa WHO, iwasan ang sobrang pagkain.
“Try to avoid too much fat, salt, and sugar in what you eat,” payo nito, at sinabing ang labis na pag-inom ng alalk ay kailangan ding iwasan.
Sinabi rin niya na prioridad din ang kaligtasan sa mga pangunaging lansangan sa kasagsagan ng pagdiriwang.
“Use your seatbelts, don’t speed, beware of pedestrians and cyclists, never drink and drive and don’t text while driving, take a break if you’re tired,” saad pa sa abiso.
Hinikayat din ang publiko na mag-ehersisyo at itigil ang paninigarilyo.
Pinayuhan din na alalahanin ang ibang tao.
“Remember to look out for friends and family who may be lonely, sad, or suffering a mental health problem and ask if they are okay.”
At higit sa lahat, pinaalalahanan ang publiko sa ligtas na pakikipagtalik.
“In the mood? Always practice safe sex. Use condom!” (Charina Clarisse L. Echaluce)