ALIAGA, Nueva Ecija - Patay ang isang hindi pa kilalang umano'y drug courier makaraang makipagbarilan sa mga pulis matapos niyang tangkaing lusutan ang checkpoint sa Barangay Bucot sa Aliaga, Nueva Ecija, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Chief Insp. Rex Perocho, napatay ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo (WK-5490) makaraang parahin dakong 4:00 ng umaga, sa checkpoint ng Bucot Patrol Base 1st Maneuver Platoon, na pinamumunuan ni SPO1 Ryan Brillantes.

Sa pag-iwas sa checkpoint ay tinugis ng mga pulis ang lalaki, na nagpaputok sa mga awtoridad hanggang gantihan at mapatay.

Nakuhanan umano ang suspek ng isang .38 caliber revolver at 14 na sachet ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol