Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad ang una sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Jayson Hamting, 19, ng 759 Gate 3, Parola Compound, Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO2 Charles Licyayo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 10:00 ng gabi nangyari ang insidente sa Delpan Street, sa Tondo.

Sa salaysay sa pulisya ni Rodolfo Padura, saksi, bigla na lang siyang nakarinig ng putok ng baril at nang kanyang tingnan ay nakitang nakabulagta na ang biktima habang tumatakas naman ang suspek na sakay sa isang bisikleta.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato

Kaagad umanong ini-report ni Padura ang nakita sa mga opisyal ng kanilang barangay na sila namang humingi ng tulong sa Delpan Police Community Precinct (PCP). (Mary Ann Santiago)