Isang drug personality ang binaril at pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng isang pabrika sa Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Dakong 9:45 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Ramel Escarlan, 29, tricycle driver, ng 2085 C. Cruz Street, Malagsa, Bgy. Pinagbuhatan.

Base sa imbestigasyon, nakarinig ng mga putok ng baril si Garci, empleyado ng Gamebill Garment Corporation na matatagpuan sa S. Reyes Street sa Villa Miguela, Bgy. Pinagbuhatan.

Nang kanyang tingnan ay nakita umano niyang duguang nakahandusay ang biktima sa harap ng gate ng kanilang pabrika.

National

4 na lalaki, arestado; higit ₱44M halaga ng shabu, marijuana atbp., narekober

Kabilang umano sa drug watch list ng Barangay Pinagbuhatan si Escarlan kaya posible umanong may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)