WASHINGTON (AFP) – Lumalawak ang hidwaan ng United States at Mexico matapos magsuhestyon ang administrasyon ni Donald Trump na buwisan ang mga kalakal mula sa katabing bansa nito sa katimugan upang pondohan ang border wall, habang kinansela ng pangulo ng Mexico ang pagbisita nito sa US.
Nakatakdang tanggapin ni Trump si Enrique Pena Nieto sa White House sa Martes ngunit umabot sa breaking point ang kanilang sagutan nitong Huwebes.
Nang umagang iyon, nag-tweet si Trump na, ‘’If Mexico is unwilling to pay for the badly needed wall, then it would be better to cancel the upcoming meeting.’’
Kasunod nito ang tweet naman ni Pena Nieto na inimpormahan niya ang White House na hindi na siya tutuloy sa ‘’ working meeting’’ sa susunod na linggo.