Sisimulan ng Department of Education (DepEd) ngayong araw ang early registration sa lahat ng public elementary at secondary schools sa bansa para sa School Year 2017-2018.
Ayon sa DepEd, magtatagal ang Early Registration Program hanggang Pebrero 24, bilang bahagi ng maagang preparasyon para sa School Year 2017-2018. Maaaring magpatala ang mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 10.
Nais matiyak ng DepEd na maipatala ang lahat ng batang limang taong gulang sa Kindergarten gayundin ang mga out-of-school children (OSC) at youth (OSY).
Plano ng DepEd na mag-house-to-house campaign, at makipagpulong sa mga opisyal ng barangay at civic organizations para matulungan silang mahanap ang mga bata at maibalik sa paaralan. Mary Ann Santiago