HATAW si Johnvic de Guzman sa naiskor na 20 hit, dalawang block at isang ace para sandigan ang college of St.Benilde sa pagwalis sa defending men’s champion University of Perpetual Help, 25-21, 25-23,25-14 kahapon para maangkin ang top spot papasok ng Final Four round ng NCAA Season 98 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Dahil dito, naitakda ang kanilang pagtutuos kontra 4th seed Arellano na kailangan lamang nilang talunin ng isang beses upang makausad sa finals.

Konsolasyon naman ng Altas sa kabila ng kabiguan ang pananatiling twice-twice-to-beat sa pagsabak kontra third seed San Beda sa semis. Wala ni isang tumapos na may double digit para sa Altas na pinangunahan nina Rey Taneo Jr., Manuel Doliente at Esmail Kasim na nagtapos na tig-7 puntos.

Pinulbos din ng Blazers sa spikes ang Altas, 46-31 habang ginalingan din nila sa floor defense matapos magtala ng 29 dig at 28 reception kumpara sa 20 at 28 ng huli.

Carlos Yulo, '2024 Athlete of the Year' ng PSA

Samantala sa juniors division, nagwagi sa unang stepladder match ang defending champion Perpetual Help Junior Altas kontra Arellano Braves, 25-18, 25-23, 25-14. (Marivic Awitan)