BERLIN (AP) – Nanawagan ang mayor ng Berlin kay U.S. President Donald Trump na huwag magtayo ng pader sa hangganan sa Mexico.

Ang Berlin ay hinati ng pader mula 1961 hanggang 1989. Itinayo ito ng socialist dictatorship sa East Germany upang pigilin ang mga mamamayan na tumakas patungo sa West, na naging simbolo ng paniniil noong Cold War.

Sinabi ni Mayor Michael Mueller noong Biyernes na “we Berliners know best how much suffering the division of a continent, cemented by barbed wire and concrete, caused.’’

Ginamit ang pamosong apela ni dating U.S. President Ronald Regan na “tear down this (Berlin) wall”, hinimok ni Mueller si Trump na: ``Don’t build this wall.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina