WALANG magiging problema kung gagamit ng interpreter ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Maxine Medina, saad ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo.

Sa isang television interview, inihayag ni Teo na mas mapapadali ang pagsagot ni Maxine kung magpapatulong siya sa interpreter.

“Kung ako I would, I would, kasi kung let’s say may interpreter siya, may time siya mag-isip. Let’s say ita-translate sa Tagalog, mag-iisip siya ano kaya ang answer ko, kaysa ‘yung diretso. Then confident siya mag-Tagalog, so mas madali,” ani Teo.

 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dagdag pa niya, maging ang kandidata ng iba’t ibang bansa ay gumagamit ng interpreter kahit nakakapagsalita naman ng English.

 

“Kasi ibang countries, marunong naman sila mag-English and yet they ask for interpreter, so lugi naman,”aniya.

(CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE)