Sen. Poe copy

MAY panukala si Sen. Tito Sotto na paghiwalayin ang indie at ang mainstream movie sa mga susunod na festival.

Magkaroon daw ng magkahiwalay na filmfest para sa mainstream at ganoon din para sa indie movies.

Kung ang mainstream ay tuwing December, ang indie naman ay sa semestral break ipapalabas.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pero mukhang hindi sumang-ayon sa mungkahing ito ang head ng Senate Public Information and Mass Media Committee na si Sen. Grace Poe.

“Hindi na kailangan ng magkahiwalay na festival. Sa tingin ko, p’wede nang pagsamahin. Kaya lang siguro, eh, ‘yung bumubuo ng executive committee na pumili ng pelikua, maglagay rin tayo ng mga ordinaryong mamamayan, tricycle drivers, teachers, mga nanay,” paliwanag ni Sen. Grace.

Dagdag pa niya, hindi naman lahat ng nasa executive committee ay insider ng industriya.

“May iba-ibang panlasa ang lahat, di ba?” balik tanong ni Sen, Poe.

Ipinaliwanag ni Sen. Sotto na wala raw kinalaman sa inihain niyang panukala ang kapatid niyang si Vic Sotto na alam ng lahat na hindi pumasa sa panlasa ng 2016 MMFF screening committee ang pelikulang Enteng Kabisote.

Binanggit naman ni Sen. Grace Poe na kailangang magkaroon ng malinaw na batas ang MMFF.

“Kailangang patuloy ang paggawa ng batas na makakatulong talaga sa industriya kasi ngayon, eh, wala namang batas ang MMFF,” sabi ng senadora.

Samantala suportado ni Sen. Grace ang panukala ng gobyerno na i-ban ang websites na nagpapalabas ng child pornography.

“All of the porn sites, especially those involving children, should really be banned from the Internet. It should be blocked and those behind it should be caught, penalized and thrown in jail,” aniya sa isang interview.

“Hindi porke’t may Internet, malaya tayong gawin ang gusto nating gawin,” lahad pa niya. (JIMI ESCALA)