May inihandang kaso ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga operator at driver na nagpaplanong maglunsad ng nationwide transport strike sa susunod na buwan kaugnay ng pagdispatsa sa mga bulok na public utility jeepney (PUJ).

Ayon sa LTFRB, paglabag sa ipinaiiral nilang “no strike policy memorandum” ang nakaambang protesta ng mga transport group.

Nauna nang nagbanta ang Samahan ng mga Tsuper at Operator ng Pilipinas Genuine Organization Transport Coalition (Stop and Go) na itutuloy nila ang malawakang transport strike sa Pebrero 6, Lunes.

Inaasahang aabot sa 74,000 jeep at libu-libong UV Express vehicle ang lalahok sa nasabing protesta sa Metro Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Rommel P. Tabbad)