KAKASA si WBC Asian Boxing Council super featherweight champion Romero “Ruthless” Duno laban sa walang talong Mexican American na si Christian “Chimpa” Gonzales para sa WBC Youth lightweight title sa Marso 10 sa Belasco Theatre sa Los Angeles, California, sa United States.

Ito ang unang laban ni Duno sa Amerika bagamat nakalasap siya ng unang pagkatalo via 10-round hometown decision kay undefeated Mikhail Alexeev para sa bakanteng WBO Youth junior lightweight title noong Mayo 6, 2016 sa Ekaterinburg, Russia.

Nagsasanay nagyon si Duno sa ilalim ni dating WBC light flyweight champion Rodel Mayol sa Wild Card Gym ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Los Angeles, California.

“This is a big break for me. I know Gonzalez is a great fighter but this is the only chance I have to be great. I will do everything to get this victory,” sabi ng 21-anyos na si Duno na may kartadang 12-1-0 na may 11 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon sa manedyer ni Duno na si Sanman Chief Executive Officer Jim Claude “JC” Manangquil, taglay ng alaga niyang boksingero ang kakayahan para lumikha ng upset sa Mexican na may perpektong rekord na 16 panalo, 14 sa pamamagitan ng knockouts.

“Gonzalez is a great fighter but he should not take Duno lightly. He has all the tools to make an upset. He has massive heart and a big punch,” sabi ni Manangquil.

Natamo ni Duno ang bakanteng WBC ABC super featherweight title sa pagpapatulog kay Paiboon Lorkham ng Thailand sa 2nd round noong nakaraang Setyembre sa Tupi, South Cotabato.

Pinatulog ni Gonzales ang tatlo sa huling apat na kalaban kabilang ang dating sparring partner ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao na si David Rodela na isa ring Mexican American. Gilbert Espeña