“Whose interest did you consider when you entered into the agreement -- the comfort of the passengers and the advantages to the government, or is your win-win solution only beneficial to SM and Trinoma?”

Ito ang tanong ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga opisyal ng Department of Transportation (DoTr), sa pangunguna ni Undersecretary Atty. Raoul Creencia, sa pagdinig ng House Committee on Transportation ni Rep. Cesar Sarmiento (Lone District, Catanduanes) sa itatayong common station ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa gitna ng SM North Edsa at Trinoma Mall sa Quezon City.

Iprinisinta ng mga opisyal ng DOTr ang bagong plano sa railway station na mag-uugnay sa MRT- Line 3, LRT Line 1, at MRT Line 7 alinsunod sa Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng DoTr at Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ang mga pribadong kompanya na San Miguel Corporation (SMC), North Triangle Depot Commercial Corporation (NTDCC)-Ayala Corporation, Light Rail Manila Corporation (LRMC), at SM Prime Holdings, Inc. (SMPHI).

Iniutos ni Alvarez na repasuhin ang mga kasunduan sa pribadong concessionaires at malalaking negosyo upang masigurong makabubuti sa gobyerno ang mga transaksiyon.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga