BAKIT lumalaki ang tiyan ng kalalakihan kapag tumataba?

Ang kasagutan ay may kinalaman sa pag-iimbak ng taba ng katawan. Kapag tumaba ang kalalakihan, ang kanilang taba ay agad na naiimbak sa kanilang tiyan. Mistula itong trunk ng sasakyan, saad ni Dr. Zhaoping Li, director ng Center for Human Nutrition sa University of California, Los Angeles.

Tulad ng pagkakarga ng mga gamit sa trunk kung magtutungo picnic sa parke, “you can put things there; no problem,” ani Li sa Live Science. 

Bagamat kapag napasobra ang pagkain ng kalalakihan at walang sapat na ehersisyo, tulad din ng jam-packed na trunk, nawawalan ng espasyo sa tiyan, saad ni Li. Kapag napuno na ang tiyan ng lalaki, magsisimulang ilagay ng katawan ang taba sa ibang bahagi ng katawan, na sadyang masama sa katawan, aniya.

4 na taong gulang na bata kabilang sa nasawing inararo ng SUV sa NAIA

“When they run out of storage place in the belly, that’s the time the fat starts to accumulate in the liver, pancreas and muscles,” ani Li. “Then, you start having real medical issues like [type 2] diabetes, high blood pressure, high cholesterol and heart disease.”

Sa kababaihan naman, dahil sa estrogen ay naiimbak ang kanilang mga taba sa balakang at mga binti, partikular sa kanilang hita, ani Li. Ang taba sa kanilang storage areas ay makapagbibigay sa kababaihan ng kinakailangang enerhiya kapag sila ay nabuntis o nag-breastfeed, saad ni Li.

“Women genetically have more capacity to store fat (than men do),” aniya. “That is part of our survival.”

Hindi mainam sa kalusugan ang taba sa tiyan, at maging ang mga taong may maliliit na tiyan ay maaaring magkaroon ng problema sa kalusugan.

Hinimok ni Li ang mga taong may malalaking tiyan na magbawas ng timbang. Mga mga pag-aaral na nag-uugnay sa taba sa tiyan sa mas mataas na panganib sa pagkakaroon ng dementia, osteoporosis at cancer sa kababaihan, ayon sa naunang ulat ng Live Sciene.

“(Belly fat) has significant medical consequences,” ani Li. “Man or woman, if you start showing a belly, it’s time to work on your lifestyle.” (Live Science)