Nasawi ang isang kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si JO2 Romel Kindipan, 32, ng Hernandez Street, ng nasabing lungsod, nakatalaga sa Malabon City Jail.

Ayon sa report, bandang 9:00 ng gabi, sakay ng mobile car sina PO1 Dennis Solis at PO1 Sherwin Benico at binabagtas ang Governor Pascual Avenue nang hingan sila ng tulong ng concerned citizen dahil sa panunutok ng lasing na suspek.

Agad pinuntahan nina Solis at Benico ang lugar at inabutan pa nila si Kindipan na may hawak na baril kaya sinita nila ito at pinababa ang dalang boga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa halip na sumunod, nagpaputok pa umano si Kindipan at tinamaan sa kaliwang braso si Solis dahilan upang gumanti ang dalawang pulis na nagresulta sa pagkamatay ng jail guard. (Orly L. Barcala)