Binira ni Senator Alan Peter Cayetano kahapon ang mga kritikong kumokontra sa paglikha ni Pangulong Duterte ng independent commission na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at sinabi na ang pag-alam sa katotohanan ay makapipigil para maulit ang isa pang Mamasapano tragedy.

“Let the independent commission get to the truth quietly and without politics,” sabi ni Cayetano, na kaalyado ng Presidente.

Tinutukoy ni Cayetano sina Senador Antonio Trillanes IV at Senador Leila de Lima na nag-akusang ginagamit ng administrasyon ang muling pagbubukas sa imbestigasyon sa Mamasapano massacre para mailigaw ang atensiyon sa mga alegasyon ng pang-aabuso, lalo ang gawain ng mga tiwaling opisyal ng PNP.

Iniimbestigahan ng Senado ang pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-joo sa loob ng PNP headquarters sa Camp Crame ng mga pinagsususpetsahang tiwaling pulis.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni Cayetano na nadismaya siya sa reaksiyon ng ilan sa mga kasamahan niya na minamaliit ang presidential initiative at tinawag itong political diversionary tactic.

“It is hypocritical on the part of Senators Trillanes and De Lima to oppose the reopening of the investigation, when they pretend to be the staunchest advocates of human rights and justice,” sabi ng senador. (Hannah L. Torregoza)