Tuluyan nang hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang dalawang tulak ng ilegal na droga na naaresto sa buy-bust operation sa loob ng isang mall noong Oktubre 2014 kaugnay ng pagbebenta ng 100 gramo ng shabu.

Hinatulang guilty sina Sanaira Tampugao at Jamil Gote sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa 14 na pahinang desisyon na may petsang Enero 6, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong sina Tampugao at Gote at pinagbabayad ng tig-P500,000.

Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula kina Tampugao at Gote ang isang transparent plastic bag na naglalaman ng 100.1675 gramo ng shabu, ang envelope na naglalaman ng buy-bust money at isang Samsung phone.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“With the evidence presented by the prosecution and the narration of the incident by the prosecution witnesses, the prosecution was able to prove that both accused are liable for crime charged against them,” ayon sa korte.

(Cris G. Odronia)