PARA sa isang tao na madalas maglakbay sa pagitan ng Manila at Timog, ang biglang paglakas ng ekonomiya ng Davao City ay talagang nakamamangha para sa mga first timer. Siyempre, ang pagkilala ay mapupunta sa dating city mayor nito at ngayo’y presidente na ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, na pinamahalaan ito gamit ang kamay na bakal.

Habang ang estratehiya ng pamamalakad ng Pangulo ay nakatatanggap ng pambabatikos galing sa ilang sektor, ang kakaiba niyang ‘Dutertesque policies’ ay nakapagbigay inspirasyon sa ibang mga lugar ng kapuluan upang tularan ito. Tama o mali, ang kanyang alituntunin sa pamamahala sa lungsod ay dahilan na lubhang pinahusay ang kanyang imahe nang tumakbo siya sa pagkapangulo noong 2016.

Ngayon, anim na buwan ng lisanin niya ang pamamahala sa Davao, ang impresyon ng kanyang pamana ay nananatili. Sa loob ng anim na taon, walang injury o pagkamatay ang naitala mula sa paggamit ng mga paputok. Kung maganda na iyang pakinggan, hintayin ninyo hanggang sa marinig na ang transaksiyon sa city government ay nagagawa sa loob lamang ng 72 oras.

Tungkol naman sa imprastruktura, ang dating naghihingalo nang central business district ay nagawang condominium forest, pinalitan ang linya ng mga bangko na inilipat sa ibang parte ng local Chinatown. Ang imprastruktura na kasing-taas ng 42 palagpag ay unti-unting binabago ang landscape ng lungsod.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

Ngunit hindi lamang boom city ang Davao; naging lugar na rin ito para sa pagreretiro, pagbisita, pagliliwaliw at settlement. Sa ilang bagyong naranasan ng rehiyon, ang trapiko ng mga migrante ay naging mabigat nang nakaraang mga taon, dahil na rin sa sitwasyon ng peace and order sa lugar.

Habang ang traffic ay unti-unting naging bangungot para sa mga commuter sa lungsod, mas maayos ang pagpaplano sa lungsod. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, hindi imposibleng dumating ang reyalisasyon sa 35 kilometrong coastal road na... mag-uugnay sa timog ng lunsod, sa hilaga at kapag lumaon ay ang paggawa ng railway system na mag-uugnay sa Davao at sa iba pang lungsod sa Mindanao.

Kapag nasa Davao, hindi dapat kalimutan ng mga maglalakbay ang maririnig nilang babala sa publiko sa loob ng eroplano na ‘No smoking’, (na may malaking S) na regulasyon sa lungsod na ito.

Sa isang banda, itong ‘special qualities’ ang dahilan upang tagurian ang Davo City bilang bagong economic frontier sa Timog. (Johnny Dayang)