IBINAHAGI ni Emma Stone sa Hollywood Reporter ang tungkol sa kanyang anxiety. Sinabi ng 28 taong gulang na aktres na naging mahiyain siya noong bata pa at idinadag na, “It’s just the way I’m wired.”
Sumailalim siya sa therapy noong pitong taong gulang siya, ngunit ang lubhang nakatulong sa kanya ay ang pagsali niya sa youth theater. “I think my parents saw that acting was the thing that made me fulfilled and happy.”
Noong 2009, sa edad na 21, nagsimula si Emma na, “overwhelmed by the energy of Hollywood,” kaya nagtungo siya sa NYC.
Pero natuklasan ng aktres na stressful ang pagiging celebrity. “Losing my anonymity after Easy A, it was like being seven years old all over again. It terrified me.”
Bagamat natututuhan na ni Emma ang pagharap sa kanyang anxiety, nakararanas pa rin siya ng panic attacks. Huli niya itong naranasan habang nagsu-shooting siya ng Birdman noong 2014. “I just got to a point where I snapped,” aniya.
Nagkararanas ng anxiety ang aktres kapag binubuhat, sumasakay sa kabayo, at naglalaro ng anumang sports. Ayaw niyang nakikipag-usap sa mga mamamahayag: “Before any interview, I have to sit with myself for five minutes and breathe and get centered, because I get so nervous.”
Nagbalik-tanaw din si Emma noong panahon na kinukuha siya para sa La La Land ng direktor na si Damien Chazelle: “My voice was gone, and I was struggling to get through (Cabaret on Broadway), and the idea of doing another musical was like, “You’ve got to be out of your mind.’” Ngunit pursigido si Damien, at napapirma si Emma para gawin ang pelikula.
(Yahoo celebrity)