Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.6 porsiyento mula Oktubre hanggang Disyembre, ang pinakamabagal sa loob ng isang taon, ngunit masigla pa rin ang full-year annual growth sa 6.8%.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Ernesto Pernia kahapon na nakatulong ang malakas na domestic demand para mapunan ang mahinang agrikultura, mabagal na paggastos ng pamahalaan at mga pag-aalinlangan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang 6.8% paglago sa gross domestic product (GDP) ay nasa high end ng target ng administrasyon na 6.0% hanggang 7.0% paglago sa 2016.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamabilis na growth rate sa bansa mula 2013 nang maitala ang 7.1% paglago sa ekonomiya. Ang growth rate sa nakalipas na pitong taon ay naglalaro sa 6.3%.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ikinalugod ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang malakas na GDP at nagpahayag ng kumpiyansang masusustenahan ito ng gobyerno.

“Overall, we believe that the target of 6.5, 7.5 for 2017 is highly likely and that our strong economic performance is likely to be sustainable in the long run,” sabi ni Abella sa news conference sa Palasyo.

(AP, Beth Camia at Genalyn D. Kabiling)