Sa tapat mismo ng barangay hall binaril at pinatay ng riding-in-tandem ang isang barangay chairman sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isalba ang buhay ni Tito Caldozo, 64, barangay chairman ng Barangay 106, Zone 8, at residente ng 136 Cadena de Amor Street, sa Tondo, ngunit nasawi rin dahil sa tama ng bala sa dibdib habang mabilis namang tumakas ang mga suspek na sakay sa motorsiklo.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 11:09 ng gabi nangyari ang pamamaril sa tapat mismo ng barangay hall.

Nakaupo umano ang biktima katabi ang isang barangay tanod nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang una.

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

(Mary Ann Santiago)