BOYZ II MEN copy

INIHAYAG ng Miss Universe Organization (MUO) kahapon ang uupong telecast judges – tatlo sa kanila ang dating Miss Universe – na tutulong sa paghirang sa susunod na Miss Universe sa SM Mall of Asia Arena sa Lunes, Enero 30, simula 8:00 ng umaga.

Sila ang magiging miyembro ng board of judges:

* Miss Universe 1993 Dayanara Torres ng Puerto Rico, dating UNICEF ambassador, awtor, modelo, at aktres.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

 * Miss Universe 1994 Sushmita Sen ng India, Bollywood actress, philanthropist, champion ng karapatan ng kababaihan sa India, at founder ng I AM Foundation. Siya ang kauna-unahang Miss Universe ng India.

* Miss Universe 2011 Leila Lopes ng Angola, dati ring United Nations Goodwill Ambassador for Desertification na nakikipagtulungan sa iba’t ibang charitable organization sa Africa. Siya ang unang Miss Universe ng Angola.

 

* Mickey Boardman, editorial director ng sikat na fashion at pop-culture magazine na PAPER.

 

* Cynthia Bailey, television star, dating modelo, at founder ng The Bailey Agency School of Fashion na itinatag para matulungan ang mga batang kababaihan sa pag-abot ng kanilang pangarap. 

 

* Francine LeFrak, Emmy® at Tony award-winning producer, social entrepreneur, women’s empowerment activist at founder ng Same Sky, isang jewelry initiative na naglalaan ng pagsasanay at trabaho sa HIV+ women survivors ng Rwandan Genocide.

Inihayag ng Department of Tourism kamakailan na walang Pilipinong uupo bilang miyembro ng board of judges sa kompetisyon ngayong taon.

Kahapon, ginanap ang preliminary competition ng Miss Universe 2016 pageant sa SM Mall of Asia Arena.

Inihayag sa finals ang Top 12 na kandidata, na humarap sa judges sa kanilang swimsuit at evening gown attire, at closed-door interviews sa preliminary round.

Inihayag na rin na magtatanghal ang four-time Grammay Award-winning R&B group na Boyz II Men sa 65th Miss Universe beauty pageant, ayon sa mga organizer.

Sumikat sa kanilang magagandang awitin ang Boyz II Men na best-selling R&B group of all time sa naibentang 64 milyong album. Kabilang sa kanilang hits ang End of the Road, I’ll Make Love To You, On Bended Knee, at 4 Seasons of Loneliness.

Magtatanghal din ang American rapper na si Flo Rida sa beauty contest, na ang mga patok na awitin ay kinabibilangan ng Low, Right Round, Whistle, at Good Feeling.

MISS U SA BATANGAS

Agaw-pansin ang magagandang neck pieces ng Artisan Women of Tondo na gawa sa upcycled Coca-Cola pull tabs sa preliminary event ng 65th Miss Universe kamakailan.

Iprinisinta ng artisan women sa bawat kandidata ang kanilang neck piece sa sunset cruise sa Manila Bay at hapunan sa eksklusibong Pico de Loro Cove sa Hamilo Coast sa Batangas.

Sa sunset cruise, nakausap ng mga kandidata ang artisan women at nalaman ang kanilang kuwento. Humanga ang contestants sa kanilang likha, at ibinahagi rin sa mga ito ang kanilang karanasan sa pageant.

“This is a great way of showcasing the artistry of the Filipino women artisans to the world and it also highlights how women are contributing to the empowerment of other women, wherever they may be in the globe,” saad ng abogado na si Adel Tamano, vice president for public affairs and communications ng Coca-Cola Philippines.

Inihayag ni Tamano na ang bawat neck piece ay binubuo ng women artisans sa kanilang workshop sa Tondo, isang distrito sa Maynila na kilalang may pinakamalaking populasyon at isa sa pinakamahirap na lugar sa bansa.

“The work of art they produce provides additional income for the artisans. The women engaged in the workshop are mostly single mothers and sole bread-winners; they play a challenging role in order to support their respective families,” dagdag ni Tamano.