KAILANGANG kilalanin ng husto ng mga manlalaro ng Cignal-San Beda ang isa't- isa upang makamit ang asam nilang panalo.

Naniniwala si Hawkeyes coach Boyet Fernandez na kailangan pa nila ng konting panahon upang maging pamilyar sa isa't- isa para mabuo ang kanilang teamwork.

"We still need some time to know each other better.We just had two weeks to practice before this game against AMA and it's evident na nangangapa pa rin sila sa isa't-isa," pahayag ni Fernandez.

Ayon kay Fernandez, maganda ang kanilang naging simula, ngunit hindi nila na-sustain dahil sa dami ng kanilang turnover.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

"We should also handle the ball well and limit our turnover," aniya.

Bagama’t naka tie-up sa San Beda, maraming bagong player ang Cignal na ngayon lamang nila nakasama partikular si Jason Perkins na isang linggo pa lamang dumating sa camp.

Naniniwala rin si Fernandez na hindi puwedeng ipanalo ng basta "talent" lamang ang isang koponan, kailangan aniyang mabuo ang camaraderie at teamwork. (Marivic Awitan)