Maging ang mga guro ay hindi sang-ayon sa plano ng Department of Health (DoH) na mamahagi ng condom sa mga estudyante, partikular na sa high school.

Naniniwala si Benjo Basas, national chairperson ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), na ang condom distribution ay magbibigay lamang ng maling mensahe sa mga estudyante.

“’Pag nagbigay tayo ng world map matututo sila sa geography. Kung periodic table of elements naman, magpapaligsahan sila sa chemical symbols. ‘Pag nagbigay tayo ng basketball, magyayaya sila ng friends para maglaro. Kung chess board o scrabble ang ibibigay natin, magtatawag sila ng mga kaklase para mag-enjoy gamit ang mga ito. Paano kaya kung magbibigay tayo ng condom?” tanong ni Basas.

Maging ang mga magulang at ang Simbahang Katoliko ay mariing tinututulan ang planong pamimigay ng condom sa mga paaralan, habang nagdadalawang-isip naman sa isyung ito ang Department of Education (DepEd). (Mary Ann Santiago)

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza