Binalasa ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Gina Lopez ang 17 regional officials upang matiyak ang tagumpay ng mga proyekto at programa ng ahensya.

Ayon kay Lopez, ang rigodon ng mga opisyal ay bahagi ng 5-year development plan ng DENR na nakaangkla sa sustainable integrated area development (SIAD) at alinsunod sa “AmBisyonNatin 2040,” ang 25-year long term vision ng pamahalaan para matamo ng Pilipinas ang middle-class society.

Sa ilalim nito, itatalaga bilang site managers ang field officers para sa area development management program (ADMP) sites.

Tinukoy ni Lopez ang ADMP areas na kinabibilangan ng Chico River at Mt. Pulag sa Cordillera Administrative Region (CAR); Zambales; Laur sa Pantabangan, Nueva Ecija; Sierra Madre sa Cagayan; Sierra Madre sa Nueva Ecija; Kaliwa watershed sa Marikina at Sierra Madre; Batangas Coastline at Verde Passage; Laguna Lake; Palawan; Sibuyan Island; Romblon; Occidental at Oriental Mindoro at Sorsogon. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'