Nagkaroon pa ng 10 minutong habulan bago tuluyang naaresto ng mga pulis ang dalawang miyembro ng drug at gun-for-hire syndicate sa operasyon ng mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Police Supt. Ferdie Del Rosario, deputy chief of police for operation ng Caloocan Police, kinilala ang mga nadakip na sina Brandon Lee, 18; at Lito Reyes, 38, kapwa residente ng BMBA Compound, Barangay 120 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Supt. Del Rosario, bandang 2:00 ng madaling araw isinagawa ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-1 ang Oplan Galugad sa lugar ng mga suspek.

Namataan nina Lee at Reyes ang paparating na mga pulis kaya kanya-kanya silang takbo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinabol sila ng mga tauhan ni Supt. Del Rosario at nakipagsuntukan pa umano si Lee, ngunit kalaunan ay nadakip din ang dalawa.

Sa record ng pulisya, aabot sa 14 na kaso ng robbery at murder ang kinakaharap ng mga suspek. (Orly L. Barcala)