Hinihiling ni Siquijor Representative Rav Rocamora kay Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa iba pang mga kaso ng tokhang-for-ransom, na hindi lang mga dayuhan ang nabibiktima kundi maging mga karaniwang Pilipino.

Sinabi niya na kailangang patunayan ni Dela Rosa na taos-puso ang kanyang paglilinis sa PNP bilang institusyon pagpatapos ng paspaslang sa South korean businessman sa loob ng PNP national headquarters sa Camp Crame malapit lamang sa opisina ni Dela Rosa.

“It is an opportune moment for PNP Chief Dela Rosa to redeem himself in light of the very embarrassing circumstances surrounding the murder of Jee Ick-Joo. I hope his feelings of shame over what happened to Mr. Jee will motivate him to do a massive clean-up of the police force. I am afraid that these cases of tokhang-for-ransom that have surfaced in the past few days are just the tip of the iceberg,” sabi ni Rocamora.

Binaggit niya ang posibilidad na hindi lamang mga Korean at Chinese ang nagiging target ng modus na ito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Ordinary Filipinos might have also fallen victim to these rogue cops. If we take the complaints of alleged extortion attempts by rogue law enforcers at face value, we get the impression that the targets are mostly foreign nationals.

But it might be because they have access to their embassies and can report these illicit activities. We are not certain that among the thousands already killed in the drug war that there are no victims of this modus,” sabi ni Rocamora.

Ayon kay Rocamora, sinasamantala ng mga tiwaling pulis ang giyera ng Presidente sa illegal drugs.

“It’s easy to hide a few dozen murders behind the thousands of personalities already killed in the government’s drug war. A rogue police officer can easily say that a murder might be part of the drug war in order to deflect public attention,” sabi pa niya.

Binabatikos si Dela Rosa dahil sa pagdukot at pagpatay sa Korean national at sa extortion sa biyuda nito.

Ibinunyag ni Teresita Ang See ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) na umaabot na sa 11 ang kaso ng tokhang-for-ransom na naiulat. Ang mga biktima ay Chinese nationals. (Charissa M. Luci)