Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig)
3 n.h. -- JRU vs Batangas
5 n.h. -- Victoria Sports vs Wangs
MAY nais pang makita si coach Vergel Meneses sa kanyang koponan na Heavy Bombers..
“Yung mga natitira dito, sila dapat ang mag-take ng leadership kasi preparation na namin ito sa NCAA eh,” pahayag ni Meneses patungkol sa mga senior player ng koponan.
Nanaig ang JRU Heavy Bombers sa Blustar sa unang sultada nito , 75-64, nitong Martes, ngunit hindi pa lubos ang bilib ng dating PBA MVP.
Laban sa Batangas, makikita ni Meneses kung ano ang tunay na tindig ng JRU ganap na 3:00 ng hapon sa pagbabalik ng aksiyon sa PBa D-League Aspirant Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Hindi naman nalalayo ang gustong mangyari ni Meneses sa nais na makita ni coach Eric Gonzales sa kanyang mga manlalaro sa koponan ng Batangas matapos ang magandang laro na kanilang ipinamalas sa kabila ng 95-101 kabiguan sa AMATitans noong opener
“Masaya naman tayo na lumalaban yung mga bata. Unti-unti, nakakakita na tayo ng improvement sa kanila,” ayon kay Gonzales.
Kasunod ng salpukang JRU - Batangas ang unang pagsalang ng magkatunggaling Victoria Sports-MLQU at Wangs Basketball ganap na 5:00 ng hapon.
Nitong Martes, nakamit ng AMA ang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin ang Cignal-San Beda, 94-85.
“Kinausap ko si Juami before the game. Alam namin na malaking bagay ang pagkawala ni Diego (Dario) and I asked him that he has to make the most of his extra minutes,” sambit ni coach Mark Herrera.
Kumana si Jeron Teng, umiskor ng 40 puntos sa opener, ng 16 puntos at 15 rebound para sa AMA.
Nanguna naman si Tey Teodoro sa panalo ng Jose Rizal University kontra Blustar Detergent, 75-64.
Iskor:
(Unang Laro)
JRU 75 - Teodoro 20, Bautista 18, Poutouochi 9, Grospe 8, Lasquety 6, Pontejos 5, Dela Virgen 3, Astilla 2, Lopez 2, Mate 2, Sabellina 0.
BLUSTAR 64 - Ang 15, Liaw 14, Kwaan 13, Mak 8, Ong 6, Choong 4, Chin 4, Heng 0.
Quarters: 19-22, 40-33, 53-51, 75-64.
(Ikalawang Laro)
AMA 94 - Tiongson 32, Teng 16, Barua 13, Bragais 10, Arambulo 8, Olayon 8, Alabanza 7, Argamino 0, Calma 0, Jordan 0, Riley 0, Taganas 0.
CIGNAL 85 - Potts 18, Bringas 14, Perkins 13, Bolick 9, Mocon 9, Arboleda 5, Arong 5, Tongco 4, Oftana 3, Raymundo 3, Adamos 2, Bahio 0, Batino 0, Villarias 0.
Quarters:
21-26, 46-47, 72-63, 94-85.