JOSE MARI CHAN copy copy

NANG matiyempuhan naming pinanonood ang A Love To Last sa nasakyan naming FX pauwi ng Antipolo, hindi na kami nagtaka kung bakit naging instant hit ito sa primetime televiewers.

Nasa Jose Mari Chan universe pala kasi ang istorya ng serye.

Sa nasabing episode, kumakanta sa bagong areglo ng Refrain ang karakter ni Ian Veneracion sa isang bar/restaurant at kakapasok naman ng karakter ni Bea Alonzo na nasiraan ng sasakyan sa ulanan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nakakahiya sa sarili na nang gabi rin na iyon lang namin na-realize na ang titulo pala ay galing sa A Love To Last A Lifetime.

Lahat naman tayo pamilyar sa musika ni Jose Mari Chan, na garantisadong pangtanggal ng stress. Kaya tamang-tama lang ang timeslot nito na nakauwi na sa bahay ang mga nanggaling sa trabaho.

Matagal na akong fascinated sa music ni Jose Mari Chan, pero hindi sinasadyang natuklasan ng anak kong bunso (nang maging exchange student siya sa Assumption Osaka last summer), na may bahay pala ang pamosong singer/composer doon.

Nakasakay nila sa eroplano si Mr. Chan kasama ang wife. Nagulat sila nang makita rin nila ang mag-asawa sa campus ng Assumption doon. At ang isa pang nakakagulat, nagturo pala sina Mr. and Mrs. Chan sa nasabing school!

Tuloy ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit may Zen effect ang music niya.

Tumayming sa magulo o maligalig nating panahon ang pag-explore ng Star Creatives business unit sa calming na musika ni Jose Mari Chan. Halos magkakapareho naman na ang mga kuwento ng serye, kaya kung minsan ay mas magandang pag-ukulan ng panahon ang “inadvertent messages” na gaya nito sa mga TV show.

Sinikap naming makakuha ng interview kina Bea at Ian tungkol sa ginagamit na music sa kanilang top-rating serye, naririto:

Ano ang dating sa inyo ng music ni Jose Mari Chan?

Ian: Mula bata ako, naririnig ko na ‘yung song ni Jose Mari Chan. Kaya lang ‘yung ibang songs niya parang sawa na ‘yung tenga ko marinig dahil sa buong buhay ko ang dami kong song na narinig. Kaya no’ng dito, para sa show, niri-rearrange nila para mas modern, minsan ‘yung mga instruments na ginagamit tini-tweak namin. ‘Tapos na-surprise lang ako kasi ‘yun nga, ang ganda. At saka, kunwari ‘pag kumakanta ako ng song niya, kinakapa ko sa gitara or sa piano, ‘tapos dahil nasanay na ’ko sa kanta, akala ko, you know, normal na pop song, ‘tapos habang kinakapa ko na, du’n ko mas naa-appreciate. Sabi ko, ang galing pala gumawa ng chords ni Jose Mari Chan. ‘Tapos kung paano s’ya gumawa ng melody at ng chords, at ‘tsaka lyrics. Ang galing n’ya sumulat, so mas na-appreciate ko s’ya nu’ng wala ‘yung ibang mga instruments na naririnig ko dati. ‘Pag talagang tinanggal mo lahat ‘yung burloloy or go back to the basic chords, the skeleton of the song, mas naa-appreciate ko s’ya.

Bea: Well, I grew up listening to his songs. Alam mo ‘yung mga tipong kapag Pasko na, sa mga Christmas parties, maririnig mo ‘yung ‘lets sing Merry Christmas...’ Naririnig mo ‘yung mga kanta ni Jose Mari Chan, classic ‘yung mga songs niya.

Kailan n’yo unang narinig ang kanta niya?

Ian: ‘Di ko na maalala, pero I’m sure bata pa ‘ko. Kelan ba s’ya nag-start? Early 70s? Ah! ‘Yung Refrain? Wala pa ako nu’n. Hayun, p’wede kong sabihin na wala pa ‘ko nu’n dahil 1975 ako ‘pinanganak.

Be: Hayun, Grade 1 ako, kinanta namin ‘yan sa stage. (At kumanta: ‘Let’s sing Merry Chrstmas….’)

Ano ang song ni Jose Mari Chan na favorite ninyo?

Ian: Iba- iba ‘yung feel. Iba ‘yung feel ng song. Gusto ko ‘yung Afraid For Love To Fade. Gusto ko ‘yung Beautiful Girl. At ‘yung Refrain, gusto ko ‘yun.

Bea: ‘Yung mga alam ko ‘yung Please Be Careful With My Heart. ‘Yung Refrain, ‘di ko pa alam ‘yun until kinanta ni Ian sa show.

Ready na ba kayong magkaroon ng singing career dahil sa seryeng ito?

Ian: Hindi, ‘no! I’m an actor, not a singer. I’m just singing in this show as an actor because ‘yun ‘yung character ko. I’m a composer, I sing songs there, pero in real life hindi ako singer. I’m comfortable with music , and with guitar and piano. Pero I have my own sound na, you know. At it’s very personal to me, my music, hindi para gawing career. So, it’s just a role.

Bea: Hindi talaga ako singer. I’m more of an actress. (DINDO M. BALARES)