Siniguro ni Senator Alan Peter Cayetano sa pamilya ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na napatay sa palpak na engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao na makakamit nila ang hustisya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Tinanggap din ni Cayetano ang plano ni Pangulong Duterte na bumuo ng independent commission na magsasagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso, gayundin ang pagdedeklara sa Enero 25 bilang national memorial day upang gunitain ang kabayanihan ng SAF 44.

“In this anniversary, we will remember the heroes who gave their lives two years ago... It is a sad and glorious day… Ang itinanim ng inyong mga kamag-anak ay dugo para magkaroon ng hustisya at kapayapaan,” pahayag ni Cayetano sa ikalawang anibersaryo ng kahindik-hindik na engkuwentro.

‘DI MAKAAAPEKTO SA PEACE PROCESS

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kumpiyansa ang Malacañang na hindi makakaapekto sa peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pag-usad ng kaso sa Mamasapano operation.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang kaso laban sa ilang MILF member ay hiwalay na usapin sa peace process.

Aniya, hindi dapat makaapekto sa usaping pangkapayapaan ang criminal acts.

“The case is now with the Office of the Ombudsman and she is the one who’s—they are the ones who are constitutionally mandated to handle the matter. So, let’s just watch the proceedings as it unfolds,” ani Abella.

(Hannah Torregoza at Beth Camia)