Libre na sa panghuhuli ang mga delivery truck na kargado ng petrolyo sa EDSA at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos payagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kinumpirma ni MMDA officer-in-charge at General Manager Tim Orbos na maaari nang dumaan sa EDSA ang mga fuel delivery truck mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga.

Nabatid na hiniling ng Petroleum Industry of the Philippines (PIP) sa MMDA na payagan ang kanilang mga delivery truck na makapag-refill ng aviation fuel sa mga depot sa NAIA dahil hindi kaya ng mga pasilidad na mag-imbak ng pangmatagalang supply.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad pa rin ang total truck ban sa pagitan ng EDSA-Magallanes, Makati City at EDSA-North Avenue sa Quezon City. (Bella Gamotea)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!