CAMP GENERAL SIMEON A. OLA, Legazpi City – Tuluyan nang natuldukan ang matagal nang alitan ng isang retiradong sundalo at isang guro sa pampublikong paaralan makaraang kapwa sila masawi sa kanilang duwelo sa Barangay Inamnan Pequeño sa Guinobatan, Albay, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita at hepe ng investigation division ng Albay Police Provincial Office, ang mga nasawi na sina Apollo Pallan y Obniala, 58, retirado sa Philippine Army; at Reynato Nares y Pantoja, 38, guro sa Quitago Elementary School, kapwa taga-Purok 7, Bgy. Inamnan Pequeño, Guinobatan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 7:15 ng gabi at pauwi na si Pallan mula sa paghahatid sa anak sa bus terminal nang pagsasaksakin siya ni Nares, ngunit nagawa pang makaganti si Pallan at tatlong beses binaril ang guro.

(Niño N. Luces)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay