Idiniin ng New York-based Human Rights Watch (HRW) na bumagsak na ang rule of law sa Pilipinas sa mahigit 7,000 kataong napatay sa all-out war kontra ilegal na droga simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2016.

Sa isang pahayag, sinabi ni HRW deputy Asia director Phelim Kine na kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ngayong linggo na umabot na sa 7,028 katao ang namatay, o mahigit 30 ang natutumba bawat araw.

Ayon kay Kine, ang bilang na ito “are the appalling but predictable result of Duterte’s vow that as president, he would ‘forget the laws on human rights.’”

Idinagdag ng HRW officer na sumisimbolo rin ito ng “wider systems-failure that has exposed thousands of Filipinos to the threat of summary killings.”

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Gayunman iginiit ng pulisya na 2,503 sa mga pagkamatay ay resulta ng panlalaban ng mga biktima sa mga umaarestong pulis.

“Revelations last week that police officers kidnapped and then strangled to death a South Korean businessman – after raiding his home using a fake arrest warrant falsely implicated him in illegal drug activities – have deepened such suspicions,” ani Kine. (Chito A. Chavez)