Pumalag si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pareho lamang sila na may dalawang asawa.

Idiniin ni Bacani na walang siya kahit isang asawa at kung wala lamang immunity sa kaso ang Pangulo ay idedemanda niya ito ng paninirang-puri.

“I do not have even one wife. I hope anyone who says I have two will produce even one. Poor guys who can only use lies versus truth,” sabi ni Bacani. “If he [said] that, I pity him. Parang sira. I pray for him.”

“If Duterte were not immune from suit, I would sue him for defamation and libel,” aniya pa.

National

Bicam conference committee para sa dagdag sahod, dapat nang ikasa —Hontiveros

Sa dayalogo sa mga kaanak ng SAF 44, muling binanatan ng Pangulo ang mga lider ng Simbahang Katoliko na aniya ay “full of shit” dahil sa patuloy na pagtuligsa sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Partikular na binanggit ni Duterte si Bacani na aniya ay may dalawang asawa, matapos sabihin ng huli sa World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) na ang Philippine National Police ay “bringer” o tagapagdala ng kamatayan.

“P— inang Bacani na iyan, dalawa pala ang asawa. Pareho ko. Parang mayor din ang buang. Tapos kung magsalita itong mga unggoy na ito, ‘t— ina,” ani Duterte. (Mary Ann Santiago)