diaz copy copy

MAS paiigtingin ng mga bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ang ugnayan sa pamamagitan ng sports.

Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na kabilang ang sports sa programa sa gaganaping ASEAN meeting sa bansa sa Nobyembre.

“We’re informed by the Department of ForeignAffair-ASEAN Affairs that President Duterte as chairman of this year’s ASEAN wants sports to be included in the program this November,’ pahayag ni Ramirez.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Natanggap ni Ramirez ang balita mula mismo kay DFA-Office of ASEAN Affairs Executive Director Zaldy B. Patron sa maigsing pagpupulong matapos ipagkaloob kina Rio Olympic silver medalist weightlifter Hidilyn Diaz at Paralympian bronze medal winner table tennis Josephine Medina ang ASEAN medal kahapon sa DFA office.

‘This ASEAN medal is the highest accolade given to athletes from the region who excel in the Olympics,” pahayag ni Patron.

Kabilang din sa mga dumalo sa seremonya sina DFA-ASEAN Socio-Cultural Division Director Aian Caringal at Asst.

Secretary Ma. Hellen Dela Vega, gayundin sina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Arnold Agustin, Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Velasco at PSC Executive Assistant Ronnel Abrenica.

Inatasan ni Ramirez si Agustin na pamunuan ang working committee para paghandaan ang ASEAN Sports Festival.

“Sa ngayon yung sports na marathon, dragon boat at arnis ang gusto ng ASEAN membership. Tama lang na mag-concentrate muna tayo sa tatlong ito dahil malaki ang impact nito sa rehiyon,” pahayag ni Agustin

“From politics to business side, mainam naman na maisama natin ang sports as part of our effort to foster unity and camaraderie among our brothers in the region,” pahayag ni Agustin

Matatandaang tinanggap ni Duterte ang pagiging chairman ng ASEAN sa ginanap na pagpupulong sa Vientiane, Laos.

Ito ang ikatlong pagkakataon na maging host ang bansa sa ASEAN meeting. (Edwin G. Rollon)