MABILIS na nag-viral ang picture ni Angel Locsin na short ang hair and in fairness, litaw pa rin ang kanyang ganda.
Isa siya sa kababaihan na kahit ano ang hair style, mag-i-standout pa rin ang kagandahan. Sa katunayan, lalo pa nga siyang gumanda sa kanyang bagong look.
Hindi pa nagsasalita si Angel sa napabalitang isyu na nagpagupit o nagpaikli siya ng buhok dahil nalagas ito nang magkamali sa hair treatment ang pinuntahan niyang beauty salon. May pagkakataon pa nga na gumamit siya ng wig na sabi ng netizens, ginawa niya para pagtakpan ang nalagas na buhok.
Samantala, hinihintay na ng fans ni Angel ang bago niyang project sa TV man o sa pelikula. Nami-miss na siya ng kanyang fans at matagal nang naghihintay sa pagsisimula ng shooting ng Darna. (Nitz Miralles)