PINALAKAS ng Adamson University ang tsansa para sa top two spot na may kaakibat na twice-to-beat incentive habang nagposte naman ang season host University of Santo Tomas ng sorpresang panalo upang manatiling buhay ang kampanya sa semifinals sa UAAP juniors’ basketball tournament sa San Juan Arena.

Nagtala si Gerry Abadiano ng 18 puntos, habang tumipa sina Jason Celis ng 12 puntos at Evan Agbong ng 11 puntos para pamunuan ang Baby Falcons sa paggapi sa De La Salle-Zobel, 78-51.

Tangan ng Baby Falcons ang 10-1 karta para manatiling nasa unahan ng team standing.

Sa unang pagkakataon, nagtala naman ng back-to-back na panalo ang Tiger Cubs matapos tapusin ang laban sa pamamagitan ng 9-0 run tungo sa 54-52 panalo kontra Far Eastern University-Diliman.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagposte ng 20- puntos si CJ Cansino upang pamunuan ang UST na umangat sa barahang 4-7, para sa solong ikalimang puwesto.

Dahil sa kabiguan ng FEU-Diliman, umangat ang defending champion National University kasunod ng 107-56 panalo kontra University of the East. (Marivic Awitan)