Aabot sa 127 bilanggo sa mga kulungang pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BuCor ) ang nakatakdang palayain sa susunod na linggo dahil sa pagkakaloob ng executive clemency ni Pangulong Duterte.

Ito ay sa rekomendasyon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II kay Pangulong Duterte na patawarin ang nasabing bilang ng mga preso base sa listahang isinumite kamakailan sa Malacañang para sa mga nominado sa pardon.

Nangako ang Pangulo na pipirmahan nito ang isang kautusan sa pagpapalaya sa mga bilanggo na nasa listahan ng DoJ, silang nasa edad 80 gayundin ang mga napagsilbihan na ang kanilang sentensiya ng 40 taon, partikular ang mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Correctional Institution for Women, at mga penal colony ng BuCor.

Dalawa ang inirekomendang tumanggap ng absolute pardon, 100 iba pa ang hiniling ng DoJ na mapababa ang sentensiya (commutation of sentence), habang nasa 30 ang inendorsong palayain noong administrasyong Aquino ngunit sinasabing hindi naaksiyunan. (Bella Gamotea)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon