Weeknd copy copy

NANGUNA ang Canadian rapper na si Weeknd sa Billboard album chart sa pangatlong magkakasunod na linggo, ayon sa datos mula sa Nielsen SoundScan na inilabas nitong Lunes.

Walong linggo makaraang ilabas, umakyat sa 60,000 units ang naibenta ng Starboy ni Weeknd sa isang linggo.

Sa loob ng isang linggo ng bagong releases, ang mga soundtrack mula sa pelikulang La La Land at Moana ang bumenta nang husto.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Itinatala ng Billboard 200 album chart ang bilang ng album sales, song sales (10 kanta katumbas ang isang album) at streaming activity (1,500 streams katumbas ang isang album).

Nanguna uli ang British singer-songwriter na si Ed Sheeran sa digital songs chart, na sumusukat sa online song sales. Ang kanyang single na Shape of You, na inilabas dalawang linggo ang nakalilipas, ay bumenta ng 119,000 units nitong nakaraang linggo.

Nasa ikalawang puwesto naman ang bagong single mula sa US group na Chainsmokers na may naibentang 91,000 units.

(Reuters)