NAGULAT si Vin Abrenica nang tanungin kung totoong three months preggy na ang girlfriend ng kanyang Kuya Aljur na si Kylie Padilla. Matagal na raw silang hindi nagkakausap ng kanyang nakatatandang kapatid.

“Hindi namin siya nakasama sa family gathering namin noong Christmas at New Year,” sabi ni Vin. “Kahit noong birthday ng daddy namin hindi siya nakadalo,” sabi ni Vin. “Iniintindi na lamang namin siya dahil mukhang may pinagdaraanan siya.

“Wala naman siyang sinasabi sa amin, pero nandito lang naman kami para sa kanya kung may problema siya.”

Punumpuno rin kasi ang schedule ni Vin na busy sa taping ng Wildflower with Maja Salvador for ABS-CBN at nagsu-shooting din ng pelikula under Toto Natividad, ang Corpus Delecti.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Busy rin siya sa promo ng Moonlight Over Baler, ang kanyang first movie na gumaganap siya sa dual role, bilang USAFFE soldier noong World War II at after 40 years sa katauhan ni Kenji, isang Japanese photo journalist-surfer na napunta ng Manila at nakilala ni Fidela (Elizabeth Oropesa) na nag-akalang siya ang dati nitong kasintahan na nasawi sa giyera.

Sa direksiyon ni Gil Portes, pre-Valentine presentation ang Moonlight Over Baler ng T-Rex Entertainment Productions sa February 8. Katambal ni Vin si Sophie Albert na gumaganap naman bilang batang Fidela sa story na sinulat ng Palanca winner na si Enrique “Eric” Ramos.

Marunong kumanta at tumugtog ng gitara si Vin, kaya susubukan na rin niyang pasukin ang concert scene. May concert siya sa Museum Museum sa February 25, titled Pare O with some special guests.

Ano kaya ang maipapayo ni Vin sa Kuya Aljur niya sakaling totoo nga ang balita?

“Basta, alam naman niyang mahal namin siya at nandito lang ang pamilya niya para sa kanya. We trust Kuya na kaya niya ‘yan. Lagi namin siyang ipinagdarasal. At ako, nami-miss ko na siya talaga dahil matagal na kaming hindi nakapag-uusap.” (NORA CALDERON)