BANJUL, Gambia (AFP) – Mas mahalaga ang kapayapaan at katatagan ng bansa kaysa Rolls Royce na dinala ni Gambian ex-president Yahya Jammeh sa pag-alis nito patungong Equatorial Guinea noong Sabado, sinabi ni President Adama Barrow.

“Him leaving the country with some of his cars, this is diplomacy. We wanted to resolve this problem peacefully.

That’s why it was very important for us to allow peace to happen in that way,” diin ni Barrow.

Kinumpirma ni Halifa Sallah, tagapagsalita ni Barrow, na hindi na babawin kay Jammeh ang koleksiyon nito ng 13 mamahaling sasakyan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“What is very clear is that arrangements were made and the government was fully prepared and supportive of ex-president Jammeh to leave and as a result they found it is better to leave with all his properties instead of coming down and checking properties,” ani Sallah.

Ayon sa mga ulat, kasama sa pag-alis ni Jammeh ang “two Rolls Royce and a Mercedes Benz” na isinakay sa Chadian cargo plane. Kinumpirma ng mga diplomat na “10 cars” -- kinabibilangan ng Bentley, mga Land Rover, isang pulang Mini Cooper, at isa pang Mercedes -- ang nakatakda pang ipadala kay Jammeh.

Nauna nang iniulat na ninakaw ni Jammeh ang $11 million pera ng bansa bago umalis.