Pormal nang kinasuhan kahapon sa Sandiganbayan ng graft at usurpation of authority sina dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at dating Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas kaugnay ng pumalpak na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na police commando, eksaktong dalawang taon na ang nakalalipas.

Suspendido si Purisima noong Disyembre 2014 nang planuhin nila ang Oplan Exodus. Anim na buwan siyang suspendido kaugnay ng anomalya sa courier deal ng PNP at ng Werfast Documentation Agency, Inc. noong 2011.

Iginiit ng Office of the Ombudsman na nilabag ni Purisima ang chain of command ng PNP bagamat inatasan na ito ni noon ay Officer-in-charge Chief Leonardo Espina “to cease and desist from performing the duties and functions of [his] respective office.”

Inakusahan naman si Napeñas ng pagre-report ng mga detalye kay Purisima kahit na suspendio ang huli, kaya nagmistula itong kasabwat sa pagpabor kay Purisima kaysa kay Espina.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Muli namang iginiit kahapon ni PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa na may pananagutan si dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa madugong engkuwentro, na ikinamatay ng Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan.

“Yes, it should up to the level of the President. That is our recommendation isn’t it?” ayon kay Dela Rosa, na miyembro ng Board of Inquiry (BOI) ng pulisya na nag-imbestiga sa kaso.

“Everyone should be held liable. Our recommendation in the BOI was that even the highest official involved in the operation should be held accountable,” diin ni Dela Rosa. (Czarina Nicole Ong at Aaron Recuenco)