Itinalaga ni Pope Francis bilang bagong obispo ng Simbahang Katoliko sa Papua New Guinea ang paring Pinoy na si Salesian Father Pedro Baquero.

Si Baquero, 46, ang magiging ikaapat na Obispo ng Diocese ng Kerema, na matatagpuan may 300 kilometro sa hilagang kanluran ng Port Moresby. Nawalan nang obispo ang diocese simula Abril 2013 nang pumanaw si Bishop Patrick Taval.

Si Baquero ay isinilang sa Maynila noong Setyembre 1970 at naging pari noong 1999. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!