NORA copy

NAUWI sa personalan ang ginawang imbestigasyon sa pagpatay sa isang aso sa pelikulag Oro na inilahok at kalaunan ay ipinatanggal sa 2016 Metro Manila Film Festival ( MMFF).

Inakusahan kasi ng direktor ng Oro na si Alvin Yapan si Nora Aunor na may sama ang loob nang tanggalin bilang leading lady ng pelikula dahil hindi nito kabisado ang mga dayalogo.

Itinanggi ito ni Nora, at sinabi na bilang direktor ay alam dapat ni Yapan kung paano mapapagaan ang trabaho ng isang artista, at tinukoy din ang hindi makataong pakikitungo nito sa mga artista

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ipinaliwanag ni Aunor na nabasa niya ang orihinal na script at nakalagay doon ang eksenang may kakataying aso sa kanyang harapan.

Hiniling naman ni Sen. Joel Villanueva na dapat irespeto si Nora, ang nag-iisang superstar ng pelikulang Pilipino, at kailangang ipaliwang ni Yapan ang kanyang mga gawain.

Ipinaliwanag ni Yapan na hindi nila pinatay ang aso sa pelikula, pero kinunan nila habang pinapatay ito ng butcher na residente mismo sa location ng shooting.

Ayon kay Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Information, kahit anong paliwanag pa ang gawin ni Yapan at ng kasama nito sa pagdinig sa Senado ay malinaw na lumabag ang mga ito sa animal cruelty law.

Humingi ng paumanhin ang direktor sa pagdinig subalit iginiit na kailangang unawain ang kanilang trabaho sa larangan ng sining.

Pero binara ito ni Mae Paner ng Film Development Council of the Philippines na hindi dapat gawing dahilan ang kultura at sining sa kanilang pagkakamali na kinuhanan pa ng video ang pagkatay sa isang aso. (LEONEL M. ABASOLA)